Pumunta sa nilalaman
Hanapin kami rito
Bahay Italia
Redazione Bahay Redaksyon 7 Set 2026

Pagpapatala sa eskuwela: anong hiningi sa inyo sa segreteria?

38 nagbasa

Online ang pagpapatala, pero pagkatapos ay may hinihinging papeles ang segreteria — at nagkakaiba ito sa bawat eskuwela: may humihingi ng certificato ng bakuna, may humihingi ng permesso di soggiorno ng magulang, may humihingi ng traduksiyon ng mga card mula sa Pilipinas.

Ayon sa batas, may karapatan ang bata na maipatala kahit kulang ang ilang papeles. Hindi ito palaging alam sa segreteria.

Ikuwento ninyo kung paano nangyari sa inyo: saang siyudad, anong antas ng eskuwela, ano ang hiningi, at ano ang nangyari kung may kulang kayo. Malaking tulong ito sa magpapatala sa Setyembre.

Mga sagot (0)

Wala pang sumasagot. Kung alam mo kung paano ito sa siyudad mo, isulat mo: may nangangailangan nito ngayon.

Kailangan ng account para makasulat sa komunidad. Libre pa rin ang pagbabasa. Mag-sign in Magparehistro